Buwan ng Wika 2018: "Filipino: Wika ng Saliksik"

Ang Buwan ng Wika ay ipinagdidiriwang taon-taon sa buwan ng Agosto. Iba't iba ang tema nito bawat taon. Ngunit ang lahat ay tungkol sa ating wika. Ang Filipino.

"Filipino: Wika ng Saliksik," ang tema ng Buwan ng Wika ngayong 2018. Ang mga paaralan ay nagsasagawa ng iba't ibang paligsahan para sa mga estudyante. Naisasagawa ang paggawa ng tula, sanaysay, islogan, poster, at iba pa upang maenganyo ang mga estudyante sa pag-aaral sa ating sariling wika.

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Marami nang kabataan na marunong at mahusay nang magsalita ng Ingles ngunit hindi naman maintindihan ang iba sa wikang Filipino. Nasasabi ring matalino ka na sapagkat marunong kang mag-Ingles. Ang wikang Ingles ay nagagamit na sa buong mundo dahil sa maulad at maimpluwensiya ang bansang pinagmulan nito. Puwede tayong matuto ng ibang lenggwahe pero kailangan nating matutunan ng lubusan ang sarili nating wika.

Nagagamit rin ang wikang Filipino upang manaliksik o kumalap ng mga impormasyon. Unti-unti ngang nadaragdagan ang mga salita sa Filipino ngunit kumakaunti naman ang nakakaalam dito. Sa pananaliksik ay mas napapalawak natin ang ating wika pati na rin ang karunungan ng mga Pilipino.

Gamit ang karunungang makukuha ay mapapaunlad natin ang ating bansa. Magtulong-tulong tayong mga Pilipino. Kung sa gayon ay makilala ang ating bansa at mahikayat ang ibang aralin din ang ating wika. Kaya't gamitin ang wikang Filipino. Ipagmalaki na ikaw ay Pilipino.

Reference:
https://www.acadshare.com/buwan-ng-wika-theme/



Comments

  1. Wikang Filipino ay dapat nating gamitin ^-^

    ReplyDelete
  2. Napakahusay! Ang ganda ng iyong ginawang akda!! Congrats!!

    ReplyDelete
  3. Mahusay ang pagkakabuo ng iyong sanaysay. Maaari mo bang sabihin kung paano mo ito ginagawa dahil ako ay lubos na humahanga dito. Ipagpatuloy mo lang ito, kapatid!!!

    ReplyDelete
  4. Napakagaling! Ipagpatuloy mo lang iyan kaibigan:)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Our Leader Speaks

Nutrition Month 2018